ALAALA

IMG_3875
ALAALA

Ms Imelda Caravaca Ferrer

Sayang mailap ang pag-ibig
at ang alaala ay mapait, masaklap,masakit.
Nang mawala ka hinanap ka
ng puso kong nasanay na saiyo.

Ako ba ay dadantay sa kaisipan mo
pagdating ng panahon na mag-isa ka?
O bubulusok lang sa kawalan
ang anumang alaala na meron ako saiyo?

Di ba mahalaga saiyo na minsan nagkasama tayo,

 ngumiti sa isat’isa, tumawa ng malakas,
nagkwentuhan?
Wala bang saysay ang lahat?

Pinulot ko ang puso ko
na nababalot sa lungkot.
Minsan naging tayo,
gumawa ng mga alaala,
ngunit ngayon namay’ nag-iisa na.

Pati alaala ng nakaraan
mukhang nakaligtaan mo nang lahat,
binura mo sa kaisipan mo
at dinurog mo
ang puso kong dating buong buo.

July 28,2017/9:12 p.m.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.