SARANGGOLA
Ernesto S. Abines Jr.
Minsan ako’y gumawa ng saranggola
Gamit ang gunting, papel at pandikit
Kahit walang alam ay ginawa kong pilit
Subalit ang saranggola ko’y ayaw lumipad
Paikot-ikot lang sa ire at sa lupa’y sumadsad
Ting-ting ay nabali buntot ay na putol
Pisi kong ginamit ay nagkabohol-bohol
Sa una kong saranggola ako’y may natutuna
Doon sa probinsya ng aking lola
Tulad ng lahat ng bagay, dapat ay pag-aralan
Upang ang tagumpay ay ating makamtan.
Hindi ito lilipad pag ginawa ng di alam